Home | Digital Resources | My Facebook | My YouTube | Jesuits | JVP | Ateneo

Friday, June 30, 2006

ehemplo

This is it -- the anti-corruption MTV: Ehemplo! Tomorrow this MTV will be launched by the project mananger Kang in a RockEd event where 1,000+ audience will see us. :) Thank you Kang for putting us here though how underserving we are.

Wednesday, June 28, 2006

mike bula-han

This is something Francis Alvarez made for the binggo game during the villa last april. Enjoy Mike Bulan fans!

Tuesday, June 27, 2006

ehemplo recording

(Here are two still photos of the recording for Ehem! This is an MTV against corruption in the Philippines. Watch out for it.)


Sunday, June 25, 2006

summer apostolate 2006

Ang Kwento ng Plywood
(Isang pagninilay sa isang buwang karanasan sa Gawad Kalinga ng Dingalan, Aurora Province)

Dumating ang last trip papuntang Dingalan. Isa itong lumang bus na punong puno ng mga pasahero kasama ang kanilang iba’t ibang dalahin. Tulad nito ay mga karton, mga baldeng biskyit, mga manok, halaman at prutas. Probinsyang probinsya ang dating. “Sakay na!” sabi ng kondoktor at dali-dali naman kaming sumakay sa nagmamadaling bus.

Ganyan nagsimula ang aking trabaho. Walang engrandeng banda para batiin o walang mga kaibigan na nagpapa-alam. Bigkis na alam ng iba, ako’y nangangamba sa mga gagawin ko sa isang buwan. Buti na lamang, na kahit masikip na sa loob ng bus, nakaupo ako sa may bintana at naaliw ako sa mga dumaraan na tanawin.

Isa sa kapansin-pansin sa mga dinadaanan namin ay ang mga lakihang mga mensahe na nakasulat sa mga malalaking bato. Nakakatuwa ang mga nakasulat roon. Meron “God is Love,” “Mahalin ang Kapwa,” “Repent,” etc. Parang nasa isang prayer rally ang feeling ko. Ngunit ako ay nagulat noon nabasa ko ang mensaheng, “Lord, you are there. Tuloy bigla akong napa-isip. At habang ako’y nagpapanilay sa mga salita na iyon, unti-unting napapanatag ang aking kalooban. Tama nga. Bakit ko ito’y nakalimutan. Sa lahat ng mga exposures, trials, at immerssion na aking naranasan, ito ang paglaging binabanggit ng aming facilitator, “Huwag kayo matakot dahil yung pupuntahan ninyo ay nandoon na ang Diyos na naghihintay sa inyo.”

Unang Pito

Ang trabaho ko sa Dingalan ay isang Youth Organizer. Sa loob ng isang buwan ay tutulong ako simulang ang program ng SIGA (Serving in God’s Army). Isa itong programang pang-rehabilitasyon para sa mga kabataan na taga-Gawad Kalinga. Ang hamon dito sa akin ni Lawrence (GK Luzon Coordinator at bossing ko) ay magsisimula ako sa simula’t simula. Hindi tulad ni Rai, na pareho rin ang assignment sa Gabaldon, na nasimulan na ang SIGA roon. Kaya’t medyo isang malaking hamon ito dahil kailangan sa abot ng aking makakaya ay mabuo ko ang grupo sa isang buwan.

Noong dumating ako roon, pinatawag ni Lawrence ang KB (Kapitbahayan) at ipinakilala ako at ipinaalam kung ano ang tungkulin ko roon. Lahat naman ay sang-ayon at excited sa gagawin ko. Ako rin ay naging mas excited na ngayon. Noong gabing yun ay naka-usap ko si Melody (Sibol teacher at naging coordinator ng SIGA pag-alis ko) at sabi niya na kaya naman ipatawag bukas ang mga kabataan para simulan ang programa. Syempre game rin ako. Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil maaga rin ang meeting namin ng mga kabataan. May trabaho kasi ang mga kalalakihan sa pag-gawa ng bahay. Nagulat ako noong nakaipon-ipon na kami sa day care, pito lamang ang sumulpot at puro silang lalaki. Hindi ko makakalimutan kung sino ang pitong ito: sina Dexter (na may second year college degree), ang may asawa’t anak na si Marlon, si Tutoy na mabait at matulungin, ang makulit na si Arvin, ang magaling na pintor na si Kaloi, ang pa-smile na Benedict, at ang nakakatuwa ngunit masipag na special child na si Jay. Pero teka, di ba isang programa ito para sa mga kabataan? Bakit puro lalaki? Akala kasi nila ang SIGA ay para sa mga lalaki lamang at lalong lalo na kung “siga” ka. Natuwa na lang ako at ipinaliwanang kung ano ang SIGA. Binilhin ko rin sila na tulungan ako akayin ang iba pang mga kabataan na sumali sa grupo.

Ligawan sa mga Bahayan

Sa mga susunod na araw nagsimula na ako magbahay-bahay para una makilala ko ang mga taga-roon at syempre anyayahin ang mga anak nila na sumali sa SIGA. Kung tutuusin parang ligawan ang ginagawa ko. Naalala ko tuloy ang mga gimik na ginagawa namin magkakaibigan sa ligawan at ito rin ang ginamit ko sa Sapang Palay at ngayon sa GK. Syempre may halong pastoral care ito. Ganito ang style. Una maglakad-lakad ka. Mas nakakadagdag ng pogi points ng isang baguhan kapag nakangiti ito. Kaya’t smile lang kahit umulan’t umaraw. Ngayon kapag may natagpuan kang ale o mama sa kanilang pintuan, batiin mo na kaagad ng “Magandang umaga po.” Ngunit kailan bantayin ang reaksyon nila. Kapag nakasimangot siya pagkatapos mong batiin, naku exit ka muna at mukhang trespassing ka roon. Ngunit kapag ngumiti, jackpot yun at lumapit ka kagad. Sumunod, ipakilala ang sarili, taga saan ka, at anong ginagawa mo sa lugar nila. Pagkatapos magtanong rin ang pangalan nila at taga-saan sila. Kapag binangit ang isang lugar na pamilyar sa iyo, switch kaagad ang usapan tungkol sa lugar nila at tiyak hindi kayo maubusan nang pwedeng pag-usapan. Kapag wala ka naman alam sa lugar nila, pansinin ang mga bagay sa bahay na pwede mo simulan ng tanong. Halimbawa, kapag nakakita ka ng picure ni Judy Ann, itanong kaagad kung sino sa kanila ang fan ni Judy Ann o ang favorite nilang product na iniindorse ni Judy Ann. Basta’t ang importante nito ay maging komportable sila na ikaw ay isang mabit na bisita. At pagkatapos nun, pwede na rin mag-tanong ng ibang detalye ng kanilang pamilya kung sa tinging ninyo handa na sila mag-bukas sa inyo. At syempre ito rin ang pagkakataon na tanongin kung ilan ang anak nila at kung meron 13 hanggang 23 na taong gulang. Kapag meron yayahin kaagad na sumali sa grupo. Mas maigi kung yayahin ng personal ang bata. Tanongin rin sa bata kung ano ang paboritong palabas nila at kahit ano-ano pa para meron kayong pag-usapan. At makilala mo na ang bata ngayon pa lamang. Pagkatapos ng lahat, tanonging ninyo kung sino pa ang nakatira roon na pwede mo anyayahin sa grupo at yun ang susunod ninyong target. Sabihin mo rin sa bata na akayin rin nya ang iba pa nyang kakilala at kaibigan.

At eto nga ang ginawa ko. Ngunit hindi lang sa bahay ang ligawan. Kailangan alamin rin ninyo kung saaan ang mga “hot spots” ng kabataan. Kung saan sila, doon ka rin. Tulad sa mga lalaki, nasa basketball court sila at doon ka rin maglalaro kasama nila. Sa mga babae naman sa may igipan naglalaba o naghuhugas ng pinggan. Maglaba at maghugas ka rin. At sa gabi kapag may mga kabataan nakukumpulan, doon ka rin makiki-jamming. Sa pamamagitan nito, ang unang pito ko ay naging 30 sa pag-alis ko, mayroon na rin officers at secret group hand shake.

Laro, Laro, Laro

Kung tutuusin parang puro laro naman ang ginawa namin sa buong buwan. Eh kasi naman halos gabi-gabi meron kaming GTKY (getting-to-know-you), group dynamics at team building para mapasimula ang grupo. Depende rin kung gaano kahanda ang grupo sa mga ito. Ngunit kada laro naman ay mayroon madudulot naman na aral. Isang halimbawa na ginawa namin ay ang group walk. Nahahati sila sa group ng sampu. Lahat ng paa nila ay nakatali sa katabi nila ngunit meron iilan sa kanila ay nakatalikod. Kaya’t mahirap maglakad ang group ng sabay-sabay. Kailangan ng strategy. Sa simula pa lamang, nag-plano na sila ng maigi. Tinitingnan nila kung paano nila gagawin ito. Pagkatapos ng ilan sandali ay nagbigay ako ng time-limit. Ayun, na pressure at kahit ano na lang ang ginawa nila basta’t makakarating lang sila. Meron naiwan. Meron nasaktan. Meron napagod. Meron dedma lang. Pagkatapos ng activity, inipon ko sila at prinoseso ang kanilang karanasan. Nakakatuwa naman ang kanilang inputs at sarili rin nila prinoproseso ang groupo. May mga pagkakataon rin na bumubuo ang tensyon sa grupo at dahil sa mga karanasan nila sa mga laro, kaya nila ayusin yun kahit sila-sila lamang. Kahit sa simpleng laro may mga maganda rin mga bagay na nadudulot nito tulad ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sa tingin ko nga habang kami’y naglalaro, nakikilaro rin ang Diyos at tumutulong siya ipakita ang pagsasama nitong mga kabataan.

Noong biyernes ng gabi ng unang linggo ko, pinatawag ako ni Melody dahil meron raw isang pagpupulang ang kabataan. Pumunta naman ako na inaakala na ito ay isang simpleng pagpupulong at ito rin ang pakakataon na maipaliwanag ko ng maigi ang SIGA. Ngunit ako’y nagulat na ang pagpupulong iyon ay isang halalan na para sa SIGA. Pati ang mga nanay ay excited at nakiki-usyoso rin sa labas. Higit kumulang 30 ang kabataan naroon, halos ang lahat na iyon ay kilala ko na rin. Ewan kung paano nanyari nun. Hindi ko rin alam kung anong gagawin kasi ang plano ay sa ikatlong linggo pa ang halalan. Pati si Melody naghihintay sa mga payo ko. Isip, Errol, isip! At dahil nan dyan na yan pinatuloy na rin namin. Ngunit bago nagsimula, ipinaliwanag ko sa kanila ng maigi ang SIGA at ang katuturan ng isang halalan. Sa tingin ko naman nakuha naman nila. Halalan na! Unang tanong tinanong sa kin, ang line-up ng mga officers sa SIGA. Patay wala yan sa manual. Isip, Errol, isip! Nagkatuwiran ako na dahil nagsisimula pa lamang sila, yung pareho na lang sa high school ang gagamitin. Agree naman sila roon. Kaya’t meron rin kaming muse at escort sa line-up. Nakakatuwa ang halalan. Mayroon akong kabataan na titser at ang kanyang estudyante ay kasali rin sa group. Kaya’t may nomination na, “I nominate my teacher.” Meron rin nagdududa sa nomination ni Marlon dahil may asawa’t anak na siya. Meron isang kabataan na pagkatapos ng dalawang nomination, second demotion kaagad. Ang gulo ngunit nakakatuwa talaga! Ngunit sa huli nakita ko naman na ang binoto nila ay ang mga tanyang na kabataan sa grupo nila at siguradong maglilingkod sila na tapat. Malakas ang pag-asa sa grupong ito.

Nasaan ang Tahanan?

Noong unang gabi ko roon, kasama sina Rai, Lawrence, at Nicole binigyan kami ng isang plywood para ilatag sa sahig ng opisina kung saan kami matutulog. Mas espesyal lang si Nicole at sa mesa siya matutulog. Di ko akalain na iyon plywood na iyon ay makakasama ko sa halos isang buwan roon. Naging bestfriend kami. Dahil isang buwan ko siyang hinigaan kasama rin ang employee’s logbook bilang unan ko. Kaya ang office ay office by day at bedroon ko by night. Kaya rin alas singko ako nagigising dahil kailangan iligpit ko na ang higaan ko at ang aking mahal na plywood. Pag-alis ko nga, gusto ko dalhin ang plywood na iyon o kahit kapiraso lang bilang remembrance.

Mahirap ang mga tao sa GK Dingalan. Kahit sabihin may bahay na sila, ang hirap magsimula at dahil na rin nawala halos ang pwedeng ipaghanap-buhay sa Dingalan. Ang sabi nila, di abot kalahati ng populasyon ang naiwan pagkatapos ng trahedya ng landslide. Naka-punta rin ako ng ilan beses sa mga dating tinitirahan nila. At kung hindi gutay na guaty ang bahay ang aabutin mo roon, halos walang bahay kang makikita na dating punong-puno at sisik na mga bahayan. Sino nga ba ang gustong bumalik roon. Ngunit, kung tutuusin meron pa rin bumalik at tumira roon dahil wala na silang mapuntahan. Kahit halos dalawang taon na lumipas, nadarama ko pa rin ang sakit ng alaala nila.

Meron akong dumalaw na mag-asawa, mukhang masayahin noong una ko silang nakilala. Palabiro si tatay at si nanay magaling humirit. Ngunit napansin ko ay wala silang kahit isang bata sa bahay. Sa gitna ng kwentuhan, tinanong ko sa kanila kung nasaan ang kanilang mga anak. Biglang tumahimik ang dalawa. Lumipat ang tingin ni tatay sa sahig. Lumuluha namang ang mga mata nin Nanay. Dali-dali ko humingi ng tawad dahil mukhang nakuha ko na ang ibig sabihin ng kanilang biglang lungkot. Ang sabi ni tatay ay mahabang kwentuhan raw iyon. Pinadaan ko muna ang ilan pang dalaw at unti-unting binuo ni tatay ang kwento sa akin. Apat ang anak nila. Tapos na sana ng high school ang panganay at mag-tatlong taon na sana ngayon ang bunso. Noong nanyari ang bagyo, malapit na si tatay sumaklolo sa kanyang pamilya. Ngunit nahuli siya. Kitang kita niya noong tinabunan ng landslide ang kanilang bahay. Halos mabaliw si tatay sa kasisigaw noon. Noong tumigil ang bagyo, natagpuan niya ang kanyang asawa sa dulo ng ilog na halos patay na kung hindi nakita kaagad. Ngunit hindi na nila nakita ang apat nilang anak. Ang sakit. At ito rin ang lagi kong naririnig sa iba pang mga pamilya na pinuntahan ko. Walang mga salita na sapat para ipahimlay sila. Tahimik lamang ako kapag sila ay nag-kwento, ngunit sa loob-looban ko halos nabibingi ako sa sarili kong iyak.

Meron akong kilala single parent na ina na binubuhay ang kanyang apat na anak. Dalawa ang trabaho ni nanay sa bayan -- labandera at caretaker. Kahit itong dalawang trabaho na ito ay hindi pa rin sapat para buhain silang lima. Maliit lang kasi ang cost of living sa Dingalan. Kadalasan naabutan ko ang mga bata ni nanay na inuulam lamang ang asin o bagoong. Minsan walang-wala talaga. Minsan dinadaan nila sa tulog na lamang. Ang swerte ko nga roon dahil kahit wala si Tito Romy at si Kuya Liboy, may mga nanay na nagdadala sa akin ng ulam. Ngunit hindi ko kayang kumain habang naalala ko ang mga bata na ito, pati na rin ang ibang mga tao sa Gawad na walang makain. Kaya’t kapag wala ang nanay nitong mga bata at kung hindi pa sila kumain bumibili ko sila ng de-lata o sabay kaming kumakain. Kaya rin naubos ang pera ko dahil kapag bumili ako ng halo-halo, kailangna lima ang bibilhin ko – isa sa akin, at apat para sa mga bata. Hindi ko rin sila maiwasan dahil mahal ko na rin ang mga bata na ito. Pati na rin ang ibang mga bata at lalong-lalo na ang mga kabataan. Kaya’t lahat ng gamit ko ay naging for public use – mobile phone, mp3 player, charger, goggles, pentel pen, tyinelas, at kati cotton buds. Noong dumating ako, dalawa ang dala kong bag. Pag-alis ko, isa na lang dahil na-arbor na ang ibang gamit ko. Pero okay lang yun, basta’t para sa mga nangangailangan, masaya ako.

Kaya rin siguro hindi maiwasan ang away roon. Oo, may away rin roon. May mga iilan pa na nasaksihan ko. Ito ay dail mahirap nga ang mga tao roon at gagawin nila ang lahat para kumita man lang. Halos lahat ay umaasa sa build. May sahod na kasi ang build. Isang daan piso sa isang araw. Malaki na raw iyon sabi sa akin ng isang kabataan kaysa wala. At dahil kasangkot ang pera, di maiwasan ang ingitan. Bakit si kwan ganito ang kita? Bakit kulang ang bayad ni ganito? Bakit ganyan? Bakit? Pero hindi lang dito ang problema. Lumala na siya at naging maraming lebel na ang problema. Nakakataba rin ng puso ang pagkakataon na ito dahil ibinabahagi sa akin ng mga mag-kaaway ang kanilang mga hinaing at ninanais. May tiwala sila sa akin na ako’y walang kinakampihan at nan doon ako para makinig at makisama sa kanilang dinadaanan. Kaya’t hindi rin ako nawawala ng pag-asa. Lilipas rin ito. Tulad sa sinasabi ko sa kabataan, bahagi talaga ang problema sa buhay. Ngayon pwede mo itong iwasan, ngunit palagi nan dyan pa rin ang problema. O harapin mo. Harapin mo na may awa at mapangkumbaba na puso. Maayos man ito o hindi, basta’t binigyan mo na ang iyong sarili, malaking pagbabago ang unting-unting gaganapin.

Ngunit kahit ganito ang buhay sa Dingalan, mahirap, at pa minsan magulo, nakatagpo ako ng tahanan roon. At ito ay sa puso ng mga tao, ang mga tunay na survivor ng totoong buhay.

May mga pagkakataon na niyaya ako nina Tito Romy at Kuya Liboy sa kanilang unit para matulog sa katre. Ngunit tinatangihan ko ang mga pagkakataon na iyon. Hindi dahil gusto ko maging martir sa aking plywood ngunit sa plywood na ito tinuruan akong mapagkumbaba at makiisa sa hirap ng buhay ng mga tao sa Dingalan. Noong nagsisimula pa lamang ako, may lumapit na kabataan sa akin at nakita kung saan ako natutulog. Ngumiti siya. “Tropa ka na namin kuya.” At simula noon hindi na ako tunuring na bisita nila kundi isa sa kanila.

Buhay, hindi Bahay

Isang araw meron dumating na bisita na tutulong sa build. Maganda ang pakay. Maganda ang intensyon. Eto naman talaga ang frontline ng Gawad Kalinga, di ba, ang pag-gawa ng bahay. Ngunit sayang itong mga kabataan na ito. Eto naman ay personal kong kuro-kuro. Sana ipinakita sa kanila na hindi talaga bahay ang binubuo dito kundi maganda ugnayan, pagkakaibigan, binubuong buhay. Sayang at walang makausap si Lola Pinising; walang tumutulong kay Jenifer, kahit limang taong gulang pa lamang ay nag-iigip na tubig; walang nakikinig sa kwento ni Tatay Jessie. Sayang. Kahit saglit lang man tumingin sa mga mata ng mga tao ng Dingalan ay hindi nila naramdaman ito.

Simple lang ang mission at kaligayahan ko sa buhay: kung makatulong ako kahit isang kaluluwa lamang para magmahal sa kapwa at sa Diyos, masayang-masaya na ako. Ngunit maraming pagkakataon ay tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang nagawa ko para sa mga tao roon. Sa isang buwan kong pananatili sa Dingalan; hindi ako nakahawak ng pala, martilyo, o kahit brush lang man. In short, hindi ako tumulong sa build. Wala. Tamad ba ako? Excuse me, hindi ako tamad. J Ilan beses nga ako pumunta sa site para tumulong eh, ayaw lang talaga nila. At kung ano man talaga yun dahilan, sa amin na lang yun ng mga taga Dingalan. Ngunti ang maibabahagi ko ay iba ang hamon sa akin ng mga taga-Dingalan at ito ay maging isang tagapagkinig, isang kaibigan. At yan nga ang ginawa ko sa buong buwan ko pamamalagi sa Dingalan. Makinig at makinig. Siguro nakalimutan natin unang makinig ang kanilang kwento dahil mas gusto natin una marinig ang ingay ng mga martilyo, pala, at brush.

Bago ako umalis sa Dingalan, tinitingnan ko ang mga nagawa ko roon at masasabi ko na puro mga ordinaryong bagay lamang ang mga ito. Tulad ng GTKY, GDs, Icebreakers, mag-hugas ng pingan, mag-payo at makinig. Kaya’t tinanong ko sa mga kabataan noong huling session namin kung ano ang nagawa ko sa kanila. Kung nakatulong ba talaga ako sa pagsimulan ang kanilang samahan. Halo-halo rin ang mga sagot nila. Ngunit meron isang sagot na nakatama sa akin. Ang sabi nitong isa, “ipinakilala nyo kami sa bawat isa, kung sino kami, at kung ano ang aming pananagutan sa isa’t isa dito sa GK.” Noong narinig ko yun, sa loob-loob ko gusto ko siyang halikan, gusto ko silang halikan lahat. Kahit alam ko na hindi ako nagagawa ng bahay ngunit alam ko na uuwi ako ng malungko sa masayang-masaya.

Mga Huling Araw

Mahirap mag-paalam. Lalo na’t nakasama mo ang mga tao sa Dingalan halos araw-araw sa buong buwan. Siguro dahil sa dami nang assignments na napuntahan ko, medyo may diskarte na ako sa mga ganitong pagkakataon. Noong huling linggo ko ay unti-unti na ako nag-distansya sa mga naging ka-close ko. Unti-unti na rin ako nag-papaalam at nagpapasalamat. Para sa ganun may closure na at hindi lang basta-basta’t nagpaalam. Pinasa ko na rin kay Melody ang SIGA manual at ibang instructions. Nag-meeting kami kasama ang mga officers at ibinhagi ko na rin ang aking recommendations at ibang mga plano para sa kanila. Sa linggo rin ito medyo sinulit ko na ang WOW Philippines sa Dingalan. Dinala ako ni Kuya Liboy sa malamig na Tanawan Falls. Si Tito Romy naman sa famous Matawi beach, este GK site. Sayang sa bagyo na iyan, nakapunta sana ako sa white island, adjecent to Paltic. At ilan beses na rin ako umikot sa bayan ng mag-isa para mag-dasal at hinahanda ang akin sarili sa akin pag-alis. Mahirap nga ang mag-paalam.

Dumating ang bagyo at parang re-enactment raw ito noong trahedya minus ang landslides at rolling-stones. Ganyan ka-lakas ang ulan na nakakainis dahil parang niloloko sa biglang tigil’t simula nito. Ngunit grasya na rin ito dahil pag-tambay ko sa isang bahay, parang extended bonding kami ng pamilya. Minsan doon na ako naabutan ng kain. Noong huling araw ko kahit malakas ang ulan binabasbas ko ang mga bahay ng mga super nanay ko. Akala ko limang bahay lang ang basbasan ko at naging labing limang bahay lahat. Ito ang record holding ko ngayon. Dahil sa dami, ayun naka-early siesta ako tuloy. Pag-gising ko, umuulan pa rin at patuloy pa rin ako umiikot sa mga huling bahay na hindi pa ako nakapagpaalam. Malungkot na ang tanawin, malungkot na rin ako at mga tao. Medyo sumigla ako noong dumating, galing Baler, sina Kuya Liboy at Tito Romy. Kahit bagyo, sumugod sila para makasama nila ako sa hapunan. Espesyal ang ulam ngayon, dinuguan. Paminsan-minsan lang kasi kami kumakain ng karne. Pagkatapos ng hapunan, inaayos ko na ang aking mga gamit. Hmmm... nakapagtataka at wala akong gaanong nakikitang mga kabataan sa buong araw. Bago ko man maisara ang aking bag, may pumasok na mga kabataan. Kinausap ako na i-blindfold ako at magtiwala sa kanilang gagawin. Aba parang GD! Sumunod naman ako sa gimik nila at mukhang may naamoy akong supresa. Dinala ako sa tingin ko noong una ay tahimik na kwarto. At noong tinangal ko ang panyo sa aking mga mata, biglang nagulat ako sa dami ng tao sa day care center. Nan doon ang mga kabataan, mga bata, mga nanay, halos lahat ng GK nan doon. Yun pala ay may naihanda silang programa para sa akin. At nakakatuwa dahil unang pagkakataon gumawa sila ng programa at ang kwento nila ay hindi nila alam kung paano gagawin. Ngunit nagawa nila. Meron kumanta, meron sumayaw, meron mga palaro, meron konting handaan, at meron mga renditions ng mga icebreaker ko. At syempre hindi mawawala ang mga testimonilas ng bawat kabataan. Aba, pina-perform pa ako at eto walang maisip kundi kantahin ang “Huwag Limutin.” At syempre meron mga umiyak at kasali na rin ako nun. Malakas man ang ulan sa labas, umaapaw naman ang puso ko ng pagmamahal ng mga tao roon. At para hindi malungkot, nagpalaro kami hanggang napagod na ang lahat. Nagpasalamat ako muli at umuwi ako sa aking plywood. Kahit sa opisina ay marami pa rin tao. Buti na lang pag-latag ko ng banig, umuwi na rin sila. Mahaba ang gabi.

Alas-4 ng umaga ako nagising para habulin ang unang trip. Medyo umulan pa rin. Hinatid ako ng tatlong ka-close ko na kabataan, sina Dexter, Marlon, at Tutoy. Dinaanan namin ang mga natutulog na bahay, sa matarik at maputik na burol at isang ilog. At habang naghihintay kami ng akin masakyanana, nagkwentuhan na lang kami ng kahit ano. Medyo naubos na namin ang aming laway at mataas na ang araw ay wala pang dumadaan na bus. Medyo maraming sirang daan raw ang sabi ng isang tsuper ng tricycle. Naku paano ako uuwi yan? Buti na lang at dumating si manong super-tsuper ng tricycle. Pumayag siya na magdadala sa akin sa Gabaldon. Nag-paalam ako muli sa tatlo at kahit mabigat ang puso ko, tumuloy ang biyahe ko. At habang dinadaanan namin ang mga malalaking bato ng may nakasulat na mensahe, hinahanap ko muli ang mensahe, “Lord, you are there.” Ngunit, hindi ko na siya nakita. Ngunit may nakita akong bago na tinamaan na naman ako: “Find home in Me. At naalala ko ang mga tao sa Dingalan. Kahit nakatulog lamang ako sa plywood, nagkarron ako ng maraming tahanan sa Dingalan. At hindi ito gawa sa semento, wala itong bubungan, hindi ito nakapintura ng makukulay na de-kolor, ito ay sa puso ng bawat tao sa GK Dingalan at sa mga kaibigan ko sa GK Luzon kung saan nakita ko ang aking Diyos sa kanila.

Arthur W. Nebrao, Jr., SJ
Ma Ph
22 June 2006

Sunday, June 18, 2006

remembering bilibid

(I was a Jesuit Volunteer in Bilibid Prisons for two years. During my stay there, I have witnessed these lethal executions of our brothers in prisons -- six to be precise. But it was announced the other day that there won't be executions anymore. Thanks be to God! Here is something I have written during my Juniorate on my experience of an execution day.)

Execution Day

10:58 p.m. Our small two storey dormitory behind an old white painted church was dull and quiet. Only the faint sound of a late night TV show was audible from a distant neighbor. I was sitting by a well-furnished dining table scribbling some encouraging lines to a friend who had a similar no-pay-job like me. As I was about to close my epistle with some customary banter, the lights dimmed into darkness -- something that did not take me by surprise -- and the entire reservation instantaneously hushed. Another desolate prisoner was being transferred to the execution cell. Distant echoes of dogs barking and guards’ commands filled the stillness of the night. I closed my eyes in anticipation. Any moment now. The echoes started to tone down. In a few short moments there was silence. Awkwardly, the lights in the room returned and again I became conscious of the sounds of TV watching. It would be another execution day tomorrow. It would be to remind us that we should kill people in order to show that killing people is bad.

2:00 a.m. I finally got my strength to sleep when suddenly there was an irritating knock at the door. Who could it be at this unholy hour? Still, more knocks. I cautiously opened the door. Three women stood there in front of me covered with their sweaters and jacket. One was a mother in her late 30s; another, a daughter in her mid teens; and still another, a daughter in her late childhood. I recognized that it was the family of the dead-man-walking. I had been expecting them much earlier. Without any reservation, I let them in, knowing that this small dormitory was for now the only place they could call a home away from the complex society. I led them to a prepared room, one of only two small rooms on the second level. I softly asked if they needed anything. Convinced that they were tired, weak and confused, I simply let them rest. Click. All the lights were turned off and I went back to my room. Click. Again, all I saw was darkness. It would be a heavy day tomorrow and I had to get my sleep.

I was just starting to fall into a slumber when a moaning sound brought me to full consciousness. Crying. Someone was crying. No, there were women crying. There was nothing I could do. I kept my eyes open until my body yielded to my weariness.

2:55 p.m. The execution day was one full of unforgettable emotions. The small cube-like death chamber was secured by well armed guards and high wire fences. The four windows were shut. The only door was locked. Inside, the privileged few – the families of the victim and of the accused, penal guards, some representatives from the government, a priest, and a doctor – were all seated quietly, all eyes fixed on the bound and reclining man who would soon meet his fate. The rest of us we were all outside – prison volunteers, seminarians, priests, nuns, reporters, penal employees, and other curious onlookers, with banners and placards displaying all points of view. There were mixed noises of both festivity and mourning. Half were praying for the execution to be repealed, half were praying for the execution to be completed; yet all were waiting. Any moment now. Somebody from the crowd shouted in a husky voice, “It’s three o’clock!” Everybody toned down as if a conductor had signaled the chorus into a pianissimo. Unrestrained whispers were the only sounds perceptible. What was happening inside? We did not know, at least not yet. Ten minutes passed yet everybody maintained the serene silence. At last, the chamber’s door opened. All the people took a deep breath. Six men were coming out carrying at their sides a second-hand coffin, accompanied by the familiar weeping of mother and daughters. Everybody stood very still. The coffin was then loaded into a black funeral car with the 3 ladies seated alongside with the driver. As the car slowly departed, murmurs of questions and speech gradually filled the air again.

Arthur W. Nebrao, Jr., SJ
Ma Ph
22 July 2004

Tuesday, June 13, 2006

jvp batch 21 dictionary

I caught myself laughing at this. This is the dictionary my batchmates and I collated on terms about our JVP year. Batchmates, this is for you.

JVP Batch 21 Dictionary

(OrSem Edition)

(This rare information is only for those who can say "MAMA" in the very strict sense defined between logic and humor)

Edited by: [not qualified for editing]
Published by: JVP Batch 21
Printed by: HP 5L Laser Jet printer
Distributed by: Philippine Postal Service (do not delay)

{some important instructions on how to use this dictionary}
1st, forgive the author, the editor, the publisher and others. Wala lang silang magawa na matino.
2nd, read.
3rd, enjoy coz I LOVE YOU BATCHMATES.

abc

Alumnay (Alumni): meaning matanda na (example: all batches less than 20)

Ann (Ann P. Tadeo): the other nanay of JQ and Nono; bakit mas malakas pa siyang umiyak?; a bonified member of The Nice Girls Club; B19/20 (still please refer to Alumnay)

Anna (Anna Marie M. Ando): aka Judy Ann, the partner of Wowie; moderator ng Formal Teaching; B19 (please refer to Alumnay)

Apple (Karen Apple O. Gamutan, Porac #21015): hinde ito mansanas; ala-edgar allan poe kapag sumulat; our Aiza Seguerra look-alike (wake up little susie) who spells both passion and compassion

April (April Joy L. Jaucian, Kabangkalan #21019): responds conversation in 4 distinct words: "oh my gaad, seriousss?"; ms. Ilocos empanada and B21’s version of Teray; inuna ang JVP bago law school; loves only quosai

Batch 21 (B21): composed of 30 highly distinct and intellegent species, brainstormed by the cunning staff to harness, with the principles of spirituality, service, simplicy, subversion and solidarity; an epitone characterized by modern insanity (ex. Baba Mo, Mama, Fafa, Pit Senor, Dutchess, TABA, Sex Bomb, I Love You Batchmates, etc.); believers of luck, superstitions, and discos (itaas ang kamay, i-wagayway); God's cute and lovable children

Bell (kling): the cause of interupted rest and pleasure, kaya't itapon ang bell

Blas (Blas Ofelie S. Descallar): aka Wowie, partner ni Judy Ann; may sariling foundation na (o kaya nyo yun?); B16 (please refer to Alumnay)

Bobdee (Bob Dylan C. Ehhhemmm, Borongan #21011): if Esmi is the batch song bird, Bobdee is the batch wood pecker; the official host of DTDG - only available at Room 306; baba mo!

Boracay (beach!!!): the only mid-year and yearend spot for B21

Burg (Ma. Imburgh O. Calleja, Cabanglasan, #21004): wat's up doc?; kamukha niya ang kapatid niya (obvious ba?)

Cez (Cecil C. Apigo, Bindum #21001): the new Bindum princess; mantika kung matulog; the tagay queen of B20 (cheers); a repeater

Cindy (Hyacinth Claire P. Tanseco, Bulan #21028): a flower and a stick by nature; together with Ryan, they can demonstrate the kamasutra 2000; lingid sa kaalaman ng mga tao, may hidden talent si Cindy sa pagguhit! go Bulan 21!

Chockoy
(Esther S. Chanao, Paitan #21006): chocks, the another edition of Igorota turned into JVP; superman and mcgyver rolled into one!; silent waters runs deep

Corned Beef (de lata): the official breakfast, lunch, dinner and snacks presented as apetizer, soup, maindish, rice, juice by SHRH made only for B21

def

Dalaga Drink (ni Nanay): a mixed drink of Tanduay and Iced Tea Lemon, did the batch liked it? ginawa lang itong tubig ni Jay boy!

Dondi M. (Philip Marcel R. Mapa): naku be careful, may abu sayaf dito; cute and malaswa in shorts; the undisputed blooper king; B18/19 (please refer to Alumnay)

Dondi R. (Jose Maria A. Rodriguez): pumbi for short; the crush ang bayan awardee; playing the guitar for him is just like using a condom; Sir Joe ng B21; B20 (please refer to Alumnay by the end of October)

Dons (Donna Marie M. Vergara, CDO #21030): my secret talent pala in cooking; the siren of psychology requested for a kodak KB10 as her bilmoko . . . sa halagang P699.00 (ang cheap)!

Errol (Arthur W. Nebrao, Jr., Muntinlupa #21021): the official bar tender of Room 306; shadow of Nono and other whites alike; good and virgin boy (please pass the soap); icebreaker king, alter-‘Nay Rosing, Mariah Carey (“I’d give my all”) masahista … faith, hope and love personified; a repeater

Esmi (Esmeralda E. Medina, Borongan #21020): take a look at her and you will say "Coney Reyes is STILL on camera"; the batch song bird - Lea S., step a side! winner teacher sa STP … one of our “bicol boys”

Franz (Frances Pafa Cantillo, Kabangkalan #21005): introducing the only living dutchess in the Philippines, Mabuhay! it is not sure about its gender, it depends on the weather climate, a member of the T.A.B.A. (please refer to Mia); the uncredited member of the Rosalinda fans club

ghi

Gen (Genieta G. Gaya, Bulan #21016): promoted as assistant teacher; together with Cindy, battlecry nila this year “magpapataba kami ni Cindy!”; a repeater

Gian (Gianna Claire M. Enderiz, Payatas #21012): the only place she knows where to go is SM North, SM Mega Mall, basta may SM; pero when you meet her there, mawawala pa rin kayo; when you think of garbage, think of Gian

Ive (Ivy H. Caballero, Cabangan #21003): pit senor! our small but terrible (but lovable) sto niño; para siyang deoderant - won't let you down;

jkl

Jay (Emil Francis B. de Quiros, Zamboanga #21008): sexy fatboyrosqui, a lifesaver to the swimming 101 class; also a member of the T.A.B.A.; ang bagong millionario ng batch; simply irresistable

Jesuit Volunteers Philippines Foundation Inc. (JVP na lang, mahaba kasi eh): the institution who plotted all these disorientation for both the volunteers and alumnays; the giver (para sa walang pera) and taker (para sa may pera) of subsidies; with it, life is ruined for eternity; because of all of these, we will not trade it for anything else

John (John Traya, accordingly, is not John Traya, Cebu #21029): never been kissed, doubtful, never been touched, undescribable!; straight-forward, pero kapag lumabas ang topak, he drives the whole batch crazy!

J.S.K. (Patrick Gerard C. Simon-King, Miarayon #21027): composed of J , S , K with matching suntok to the heart effect (go batchmates!);

JVP Cross (+++++): symbol of the 5 S’s; worth 0.55 centavos in a local pawnshop, kaya't useless din kapag nasanla ito (ang wise ng Central Office)

JQ (Joaquin Miguel Z. Hizon, Napsan #21017): okatokat; malaria approved

Kale (Kale Alphe F. Ramos, Cabangan #21023): the one and only sex bomber queen (sex bomb, sex bomb, you're a sex bomb); move over Donna Cruz! this one is predicted to be a mother of 12 in 5 years (sensual kasi sumayaw!

Leng (Charlene S. Paleguin, Porac #21022): Anima Christi dancer for hire; super ang tama kay M.L. (Mr. Labadoo uuuyyyyy)

Letter Cycle (sulat sa papel): eh di cycle ng mga letters, ano pa ba?; a form of support system and communication among volunteers

Love (Lovella Virlan L. Dorero, PCMC #21009): kayo ba ay malungkot at walang ginagawa? kari kamu sa helping hands at lahat ng inyong mga problema ay solb na!

mno

Maita (Maria Margarita Pepina C. Madroño): former Bindum queen B20 (please refer to Alumnay by the end of October) favorite asset - the shorts! (bahala na ako mamatay basta naka shorts lang ako)

Mark (Mark Anthony C. Brazil, Miarayon #21002): the gentle giant; he can invade the pool like mighty joe young (yahoo), willing to make friendship bands to raise the 25M endowment fund (kaya mo yan kid);

Mia (Ma. Angela Socorro S. Cruise - not related to Tom, Paitan #21007): Mia is April and Ruffa Mae Q. after yearend; a member of the T.A.B.A. (Total Abolishion of Body Acquired) squad - a division of the SEX Bombers; be careful! if all T.A.B.A. squad combines, it spells riot and kaos; a best friend anyone can ask for

Nel (Arnel Sanchez, Cebu #21026): kapag tapos na ang misa, siya ay nawawala parang bula ... Zzzzz, the kuya of all JVPs and a tatay to his siblings (mas matanda pa yata siya kay Nanay)

Nono (Noelle R. Flores, Napsan #21013): or commonly know as Nunu, kapag ginalaw mo siya lagot ka sa mga kulam niya; soon to be crowned hirit queen; malaria approved; ang mahal na bunso ng batch

Norie (Norie C. Malazarte): the other meaning of POVS (Private Order for Volunteer Satisfaction - sayaw Norie, sayaw Norie!); B16/17 (please refer to Alumnay)

pqr

Peace (muuaahh!): the secret fraternity code of JVPs; favorite part of the mass; a form of sexual harrashment

Pia (Ma. Johanna Pia G. Ortiz-Luis, wow man ang haba): Ate P for short is the new RDO; watch out for this Mama, she bites!; B18/19 (please refer to Alumnay)

Ros (Rosalyn-dah Pia N. Robles, Cabanglasan #21024): because of the present administration, nag-JVP is Tita Cory (handog ng Pilipino sa Mundo); our chemical-slash-computer engineer and dakilang female acolyte!

Rose (Rosemarie M. Cabrera): the mother of all pearls; doesn't understand the phrase "Warning: Cigerette Smoking is dangerous to your health"; B10/11 (it is recommended to refer to Alumnay)

Ryan (Ryan Rolf P. Fuentes, Bindum #21014): self proclaimed Fr. Ryan; the offical prayer leader before meals; supermodel siya kapag may nakaharap na camera

stu

Sacred Heart Retreat House (SHRH): the place to be for the OrSem and katarsis.

Sandee (Sandra C. Saavedra, Libangon #21025): Sister Sandee for short, yun lang, very short; ms. emotional lalo na sa usaping tatay!

Shal (Alice J. Inovejas, Davao #21018): motherly megan; ang poste ng batch; the only female guitarist sa B21; a repeater

Sportsfest (laro): a yearly competition among volunteers for testing one’s physical endurance and stability; we are doing this for fun and building a commoradery among friends (go batchmates!)

STP (Sexually Transmitted Program): first we’ll teach you, then we’ll harass you; a program designed for the development and improvement of skills, whether in teaching, formal or non-formal, socio-economic or socio-pastoral, in 3 days (kayo na bahala sa 257 days sa area hahaha)

Tatit (Noreen Gisela J. Quiblat): pochahontas; dancing queen, este dance instructress by nature, so watch and learn; B19 (please refer to Alumnay)

TSP (Tadyakan at Suntukan ng mga Partners): a venue for sharing and praying of partners as well as volunteers in general; a form of support system

vwxyz

Venia (Ma. Venia N. Dorog, Libangon #21010): the grade schooler who turned as a teacher (Ma'am totoo ka bang teacher?); B21’s small wonder only to become Libagon’s best faculty member yet!

Volunteer (ball loon tear): willing to go anywhere and willing to do anything; ayan kase, ano napala mo, naku sa huli ang pagsisisi talaga, pero sige lang, para sa KANYA, magmahal ok?

Copyright © 2000
Jesuit Volunteers Philippines Batch 21
® er2ol@graffiti.net

No part of this dictionary may be reproduced without permission from the B21 publishers.

Special Thanks to the Mindoro Connections without them this wouldn’t be possible, Nescafe for forcing me to finish this even when I am asleep, B21 volunteers and staff for the inspiration, and HIM who loves us all!

Monday, June 12, 2006

maligayang araw ng kalayaan

province retreat

On 18-27 May 2006, we had our province retreat at Mirador Jesuit Villa in Baguio. One third of the province attended the retreat. Fr. Danny Huang, SJ was our retreat master who gave us fruitful points taken from the lives of St. Ignatius of Loyola, Francis Xavier, and Peter Faber. During the last day of the retreat, I was praying and looking at the sunset in Mirador, I was in deep consolation of His love for me. Here is a short poem that I have written after that prayer period, remembering how God has been my grandmother, who took care of me for many years even until now.

Lola Kong Hesus


Sa daloy ng malamig na hangin
Nakalimutan ang pag-ibig na
ipinakita, binigyan, ipinadama
Ng isang lolang nag-aruga sa
isang batang naulila.

Kahit masugat-sugat ang kamay
sa paglalaba
Kahit masunog-sunog ang kamay
sa pagluluto
Kahit makulubot-lubot ang kamay
sa paghihimlay
Naghihintay, naghihintay
sa isang batang ulila na napaulila
Ang kanyang pagdating.

Naiba ang daloy ng hangin
May nakita akong matandang ale
nakapula sa may bangin
Naghihintay rin na makapiling
Kahit sa alaala matatagpo rin
Lola, hindi kita nalimutan

Bawat sulok ng mundo ako'y
mananaog
Bawat buhay ng tao ako'y
makikinig
Bawat dasal ng ulilang ito
mabibigkas
Hahanapin, hahanapin
Ang pagmamahal na dulo't n'yo
Habang buhay nanaisin

Arthur W. Nebrao, Jr., SJ
26 May 2006
Mirador, Baguio

Tuesday, June 06, 2006

jvp commercial during the 90's


I was in high school when I first saw this PLDT commercial about JVP. I never thought then that I would become a Jesuit Volunteer. But through God's grace, I served for two years (from 1999-2001) in Bilibid as a Jesuit Volunteer. I would like to share the same experience through that same commecial that captured my heart for serious service.


Copyright © 2006 er2ol. All rights reserved. Patent Pending.