Home | Digital Resources | My Facebook | My YouTube | Jesuits | JVP | Ateneo

Wednesday, July 19, 2006

jp life ko



JP Life Ko
Errol Nebrao, SJ

Neo, Neo, Neo Saicon (budubudum) (3x)

Bros Flores, ‘Vin Laput, Weyms Sanchez,
Si Jun Delmonte, Jong Oledan, Si Atong Ong
Sila’y nagpapabuhay ng JP life ko.

Bhong, Bhong, Bhong, Bhong, Bhong Tobe

Adapon, Mendoza, Orbeta, Parilla
Anthohy Coloma, Errol Nebrao, Si Mars Tan
Sila’y nagpapakulay ng JP life ko.

Neo, Neo, Neo Saicon (budubudum) (3x)

Konsuelo ko ang mga brothers ko, Eric John Gerilla, Gabe PestaƱo
Si Dennis Cruz, Gil Donayre, Honorato Sala-Sala-Salazar
Tumitibok ang puso ko, tugudug-tugudug, kay Ritchie Genilo,
Si Gonzales, Fruto Ramirez, Nemy Que, Jojo Magadia

Ron, Ron, Ron, Ron, Pedro Walpole

Lobrigas, Mark Lopez, Henry Ponce,
Escandor, Legaspi, Chrys at Ernald, Charles Ken
Silay’y kumukompleto ng JP life ko.

Sila’y kumukompleto ng JP life ko.
Sila’y kumukompleto (sila’y kumukompleto)
Ng JP life ko … ng JP life ko … ng JP life ko, wooh, di ba?

Monday, July 10, 2006

maging aking muli


When the TeleMovie "Maging Aking Muli" was shown on TV last year, I appreciated my unique vocation even more. This is the MTV of that movie. Hopefully, people would realize how human we still are. May you find consolation from this MTV.

Wednesday, July 05, 2006

bituin

{Here is something that I have written, based from my journals and letters, to express some thoughts during Juniorate. It it quite long, yet perhaps you may have a glimpse of that trail in my life from discernment until the vows.}

8 september 2000, 11 p.m.

Iba talaga ang bituin dito sa Bilibid. Mahiwaga. Mukhang karaniwang lamang ito tulad ng mga bituin sa Cebu o sa Baguio. Ngunit dahil nasa Bilibid ako at naglilingkod, iba talaga ang bituin sa Bilibid. Hindi ko naman hilig tumingala sa mga bituin kahit noong bata pa ako. Ang naalala ko noon ay nagiinuman kaming mga barkada at nakahiga sa may damuhan at nakatutok sa mga bituin. Ang daming falling stars. Doon ko lang nagustuhan ang tumingala sa mga bituin. Ewan ko nga ba. Naipangako kasi namin mga batchmates na tuwing alas nuebe ng gabi, lahat kami, kahit na saang sulok kami sa Pinas, titingala kami sa langit at hanapin ang tatlong nakahelerang bituin ng Orion’s Belt. Magdarasal kami ng isang Aba Ginoong Maria sa bawat bituin nito. At yan nga ang ginagawa ko maulan o maulap man, alam kong nandiyan ang Orion’s Belt at kahit saan ay natatanaw ng akin mga batchmates at nagdarasal. Tulad kanina, ramdam na ramdam ko na parang ang lapit-lapit ng aking mga batchmates.

4 june 2002, 10 p.m.

Nakakatuwa naman ang usapan namin kanina tungkol kay San Ignacio. Umiiyak rin siya kapag nakikita ang mga bituin. Ganyan ka pagkamapagdamdam siya sa Diyos. Pagkatapos ng usapan, nagdasal ako sa may bangko sa tapat ng Aula landing. Ang daming bituin. At habang nakikita ko ang mga bituin na ito, nagagalak ako dahil naaalala ko ang matalik kong kaibigan sa JVP. Bago ako umalis para sa Novitiate, sinulatan niya ako. Hindi ko makakalimutan ang ilan linya sa kanyang sulat,

“Isa ka ngayon sa mga bituin sa langit ng buhay ko... Ang daming mga tao na gustong makarating sa kinatatayuan mo ngayon, ngunit tinawag ka Niya dahil ikaw ay espesyal sa ganitong buhay relihiyoso. Kaya’t kahit saan man ako, titingala lamang ako, at alam ko nan doon ka isa sa mga bituin sa langit ng buhay ko. Sa ganitong paraan, kay lapit ng ating puso.”

13 june 2002, 10:30 p.m.

Pinagdasalan ko ang paglalakbay ng mga hari patungo kay Hesus. Sila’y nalilito kung paano nila makikita ang haring ito. Ngunit ang isang hari ay nakapansin ang isang pinakaliwanag na bituin noong gabing yun. Sobra sa paanyaya, sobra sa tawag. Sino ang hindi susunod? Ganyan rin ang pagtawag sa akin ng aking Diyos. Alam ko naman kung saan ako pupunta. Sa kanya lamang. Ngunit bakit minsan hindi ko nakikita ang liwanag ng bituin na ito?

21 july 2002, 9:15 p.m.

Nagbasbas ako ng unang patay ko dito sa Sapang Palay; isang taong gulang na batang lalaki na si Hilbert. Siya ay namatay dahil sa toxic na tinapon sa tambakan mga ilan na buwan ang nakaraan. Si Hilbert ay nasa sinapupunan pa ng kanyang inay noong nanyari yun. Lahat silang pamilya ay nagkasakit at nagdala ng controbersiya sa buong Bulacan. Gumaling ang iba ngunit si Hilbert lang ang nanatiling sakitin noong isinilang siya. Pagkaraan ng isang taon, namatay rin. At nandito ako sa aking silid, nagdadasal at nagtatanong kung bakit lahat nito ay nanyayari. Walang sumasagot. Ngunit si Hilbert ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagsusumikat sa ganitong buhay relihiyoso.

4 september 2002, 10:10 p.m.

Naghahanap ako ng tanda para ako ay magpatuloy sa bokasyon na ito. Nagbigay sa akin ng aking Diyos ng isang maliwanag na bituin ngayon gabi. Hindi ko maiwasan na ngumiti. Ang saya ko. Mahal ko ang mga bituin. Lumakas ako at napuno ng pag-asa para sa mga bagay na darating.

25 december 2002, 9:00 p.m.

Sanay naman ako na ipinagdiriwang ang Pasko na hindi kasama ang mga pamilya dahil noong JVP pa ako, hindi ako makauwi. Pauwi ako galing Sapang Palay, ang ganda ng mga bituin. Kinanta ko sa akin isip ang kantang Bituin:

Hesus, bugtong na anak ng ama
Tala ng aming buhay, liwanag

Kapayapaan, kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang 'Yong mga bituin

28 january 2003, 10:00 p.m.

Papunta na kami sa Cabanglasan nang makita ko ang isang matanda na nagbebenta ng gulay sa mga pasahero. Naawa ako at nalungkot. Noong nasa Cabanglasan na kami hindi ko malimutan ang matandang iyon. Naglakad ako sa labas. Sana may makita akong falling star para makahingi ako ng magandang buhay para sa matandang yun.

21 september 2003, 9:30 p.m.

Dumating si Andy, ang choir leader sa Sapang Palay, sa Sacred Heart at humihingi ng pabor kung pwede ibinyag ang kanyang namamatay na pamangkin. Hindi pwede si Fr. Mon pumunta dahil may lakad siya kaya pinadala niya ako. Nagulat ako noong tinawag ako ni Fr. Mon at nag-commission para makabinyag ako. Parang binigyan ako ng super-powers. Bakit ako? Kung sabagay, kakilala ko naman si Andy kaya ako yata pinili. Sumama ako kay Andy sa Ospital. At doon nakita ko ang nakakaawang bata. Ang daming mga tubo na isiningit sa kanyang maliit at matamlay na katawan. Kyla ang pangalan niya. Katabi niya ang kanyang nanay na nagbobomba ng manual respirator para makahinga si Kyla. Ang tatay at ang ibang kamag-anak ay nililibutan si Kyla. Nagmadali ako nagsuot ng sutana at nagsimula na ang processo ng pagbinyag. Pagpahid ko ang aking kamay sa ulo ng bata habang sinasabi, “Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo...,” dama ko ang sakit at pait na dinadanas ng bata at ang kanyang pamilya. Ang sakit. Ang hirap nitong buhay relihiyoso. Eto ka nga at tumutulong sa mga mahihina, sa mga nangangailangan, sa mga may sakit, ngunit wala ka talagang magagawa.

14 december 2003, 9:00 p.m.

May pa-contest kami ng mga parol sa Sapang Palay. Ang daming sumali. Ang parol nila’y iba’t iba ang mga hugis at kulay. Pa-bongga ang lahat. Ngunit ang nakaakit sa akin ay ang parol na gawa ng isang bata. Simpleng parol lang ito, ni hindi nga katanyag-tanyag, at may hugis bituin. Sa puting papel chino nito ay nakasulat ang mga hiling ng bata. Noong binasa ko ito, tumimo ang aking puso sa mga hiling. Lahat ng hiling niya ay hindi para sa kanyang sarili ngunit para sa kanyang pamila, sa kanyang mga kaibigan, sa iba’t ibang mga tao. Sa dami ng parol, yung ang pinakamagandang bituin ang nakita ko.

15 april 2004, 6:55 p.m.

Ako ang server sa community mass. Pagka-communion, ako ang may hawak ng kalis kung saan ang mga kapatid ko na nobisyo at pari ay isawsaw ang hostia or iinom ang dugo ni Kristo. Pagkatapos ng comunyon at babalik na sana ako sa may altar, napansin ko na mayroon konting alak na tumulo sa sahig. Nataranta ako. Kumuha ako ng isang purificator at tubig. Binasa ko ang purificator at pinunasan ang alak sa sahig. At habang ginagawa ko ito, naalala ko ang ganitong eksena sa Biblia. Ako si Maria Magdalena na pinupunasan ang dugo ni Kristo.

7 may 2004, 8:30 p.m.

Nakatanggap ako ng sulat galing kay Fr. Louis Catalan, S.J. Tumawag pa siya para mag-congratulate. Ang saya-saya ko. Ito nga ang consolasyon dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng Diyos para sa akin.

From: louissj@yahoo.com
To: sjnovices@jesuits.net
Date: Fri, 7 May 2004 17:07:59 +0200 (CEST)
Subject: For Errol, S.J.

Dear Ogilvie,

Below is Errol's message, informing me that he has been approved to profess his first vows as a Jesuit.

The vow profession ceremony will take place on 31 May in the afternoon (3 or 4pm, I think). I am sure Errol will appreciate it very much if those who are in Manila and are free on this day will be able to share this significant moment with him.

I feel very happy for Errol. The Errol that I knew once in highschool was a different Errol who lived with me in Arvisu House for one year. What I had heard about him from other Jesuits did not make me entertain any doubts regarding his fitness to be a Jesuit.

Please pray for Errol as he begins this new moment in his life.

Louis, S.J.

30 may 2004, 11:00 p.m.

Bukas ay manunumpa na ako. Hindi ko makakalimutan kung paano napapaligaya sa akin ang mga bituin. Tuwing ako ay nalulungkot o nag-iisa, ang tanaw ng bituin ay tumitiyak ng umagang puno ng pag-asa.

Arthur W. Nebrao, Jr., S.J.
Ma Ph
29 August 2004


Copyright © 2006 er2ol. All rights reserved. Patent Pending.